PAGKABANGON na pagkabangon ni Hadeon Stephen ay napahawak siya sa kaniyang dibdib, ang puso niya'y walang bukas kung tumibok sa sobrang bilis. Napatitig siya sa pader at nakapag muni-muni, kinikimkim ang panaginip na siyang dulot ng kaniyang pagkagising.

Panaginip lang ba talaga, Hadeon?

Kahit na hirap na hirap siyang huminga ay nagawa niya pang suminghal. Panaginip? Kada araw simula noong nakaraang linggo ay paulit-ulit na lamang ang eskena bawat gabi. Naging mapagtanggi man siya ngunit alam niya na sa sarili niya. Anong klaseng pahiwatig ba ang dahilan ng kaniyang pagdusa sa araw-araw?

Name: Hadeon Stephen Van Buren

* His name, Stefano Isagani, was used before he was reincarnated into a young socialite. It was given by his mother who has passed away from giving birth to him.

Nationality: Filipino
Ethnicity: Filipino
Nicknames: Tepo, Potpot, Haden
Birth Date: March 20, 2000
Astrological Sign: Pisces
City Address: Pasay, Metro Manila
Provincial Address: Baler, Aurora
Occupation: Student; Civil Engineering

* Ingrid Van Buren, Hadeon's great grandmother, founded Van Buren Co. in Overland Park, Kansas, where the lad lived during his teenage years. He went back to the Philippines the moment he turned twenty.

Civil Status: Single
Education: Finished High school at Blue Valley North High, Currently a Civil Engineering Student in Ateneo de Manila University

PERSONALITY

Hadeon is an outgoing lad who likes going out with his friends. A tad bit annoying, as described by his closest friends and relatives. He wasn't anything like Stefano Isagani; his former life. He had no business knowing who that was, not until one day when Stephen woke up with pieces of the demigod's memories.

APPEARANCE

Hadeon Stephen has long hair nearly past his shoulders and he impulsively dyes every chance he gets. With a height of 5'11", he was frequently cast as a model. The lad's eyes form a crescent whenever he genuinely laughs. He also pierced his ears without his mum knowing at the age of seventeen.

OTHER FACTS

1.) Growing up, Hadeon is accompanied by a horse named 'Makas'. Although he wasn't sure of where his name came from, his relatives claimed that the lad had started calling his pet that when he was a small boy.

as hadeon's story progresses, he found out that makas came from the filipino word 'pahimakas' which meant last farewell. makas is mapulon's last gift to him after the reincarnation. he wanted someone to be there with him as a guardian.

2.) Hadeon likes to play basketball. He is a part of the varsity in their school.

3.) Although he isn't good at playing it, Hadeon owns an electric guitar. He attempts to learn how to play the instrument through watching guitarists on Youtube.

Buong buhay ni Stefano Isagani ay wala siyang ibang ginawa kung hindi magtago. Lahat daw ng pinupuntahan ay may dalang kamalasan. Halos mapatawa siya sa lahat ng salita nilang nakakamanhid dahil tanggap na niya na kahit ang kaniyang simpleng paghinga ay kinamumuhian nila. Kahit noong siya'y sinilang sa mundo ay pinamumukha na sa kaniya na hindi dapat siya nabuhay, na isa siyang pagkakamaling hinding hindi matatama.

Para sa kanila, ang kaniyang pagkabuhay ay isang malaking sampal sa mukha na ang kanilang panginoong tinitingala ay hindi perpekto tulad ng pinapaniwalaan nila.

Ang matapat at mabait na Mapulon na pinupuri ng mga mortal ay hindi tulad ng mga kwinekwento ng mga ina sa kanilang mga munting anak. Sinasabi na ang puso niya ay para lamang sa diyosang si Lakapati ngunit habang siya’y nakatalikod ay nahulog ang diyos sa isang magandang mortal. Nagbunga ang kasalanang ito at isang tao lang ang magbabayad para dito. Hindi pa tuluyang nakalabas si Stefano sa mundo ay namaalam na ang kaniyang ina sapagkat hindi kinaya ng katawan niya ang pagdadala ng isang kalahating-diyos.

Naninirahan sa kalangitan, walang ibang maasahan si Stefano kung hindi ang kaniyang kapatid na si Anagolay, ang diyosa ng kawalan. Kung minsan ay kinakaawan niya ang sarili niya dahil dito sapagkat wala siyang pinagkaiba sa mga mortal na umaasa sa kaniyang kapatid; nawalan at patuloy na nawawala.

"Alam ko iyang hitsura mong iyan, Isagani."

Napatingin ang binata sa diyosa, wari'y nagtataka sa kaniyang sinasabi. Kahit itinatanggi ay alam niya sa sarili niya ang totoo. Paano ba naman siya hindi maiinis? Sa mga minsanang panahon na sasama siya sa kanila para mag hapunan ay alam niyang hindi magiging maganda ang dulot nito. Magsisimulang apat ngunit may isa parating aalis. Hindi na sumagot ang kalahating-diyos at napatingin sa kubyertos na sobrang higpit niyang hawak.

"Isagani, bakit ngayon ka na lang ulit sumama sa amin sa hapagkainan?" tanong ni Mapulon upang makapagsimula ng isang huntahan.

Napangisi na lamang ang binata. Halos isigaw na ng mga mata ng asawa niya ang kaniyang buong galit ngunit nagawa niya pa itong tanungin.

"Maraming ginagawa si Isagani, tama ba?"

Napatingin ang lahat kay Lakapati sa kaniyang pagsingit at walang ginawa si Isagani kung hindi tumango na lamang.

"Tama, marami akong ginagawa para makapagtago sa mga nilalang dito," aniya, punong-puno ng pag-uuyam ang kaniyang boses.

"Oo, sa pagtulong mo sa mga tao sa lupa ay nakakapagtago ka talaga." Sumbat ni Lakapati.

Nanahimik si Isagani. Kaya pala siya inimbitahan muli sa hapunan ay dahil nalaman na nila ang kaniyang palihim na pagtulong sa mga tao sa siyudad.

"Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman nila na may nagmana ng mga kapangyarihan ng iyong ama? Delikado iyon, Stefano. Huwag mo ipahamak ang iyong sarili." seryosong sabi ng diyosa.

Natawa si Stefano sa kaniyang loob-looban sapagkat hindi niya na alam ang tunay na intensyon ng pagsabi sa kaniya nito. Kinakatakot ba nilang siya'y mapahamak at magamit o natatakot lamang silang malaman nag mga nilalang na may bastardo ang kanilang diyos sa kalangitan?

Ang kalahating-diyos ay napatingin sa baba. Inakala niya'y may magiging magandang dulot ang pagkabuhay niya sa mundo kahit papaano ngunit pati iyon ay hindi niya magawa. Katahimikan ang bumalot sa kanilang apat. Nanatiling ganoon hanggang may pumasok na isang diwata na kitang kita ang pagkatakot sa kaniyang mata. Hindi alam ni Stefano Isagani sa minutong iyon mismo ay magbabago na ang lahat.

"Panginoon, may nakahuli kay Stefano. Nakita na nila ang kaniyang kapangyarihan. Ito'y kanilang pinaghihinalaan!"

Nanlaki ang mata ni Isagani nang ito'y marinig. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at tila may umiikot sa kaniyang sikmura. Naisip na niya ito noong mga nakaraang araw ngunit hindi siya dumayong handa. Nakakapagod tumakbo, nakakapagod magtago. Naging sanay naman na ang kalahating-diyos sa buhay niya ngunit ito'y pagbabago nanaman. Ang tunay diyan ay hindi niya alam kung kailan siya magiging handa.

Magsisimulang apat ngunit may isa parating aalis. Noong hapon na iyon ang huling kita sa kaniya ng mga nilalang sa parehas na mundo. Sinabing siya’y isinumpa, sinabing siya’y pumanaw na. Hanggang ngayon ay isa itong hiwaga para sa kanila. Isang misteryong walang ibang makakasagot. Walang iba kung hindi ang mga diyos na nakasama niya sa hapagkainan na iyon.

ALUNSINA MAZIKEEN - Bagama't nandoon si Mayari na diyosa ng buwan ay nasa iisang diwata lamang ang tingin ni Stefano Isagani bilang pinakamaganda sa kanilang lahat. Ang nagiisang babaeng minahal at patuloy niyang mamahalin. Sa bawat habang buhay na makakamit nila.

BIANCA ILDEFONSO, CREED VAN BUREN, SOLANI VAN BUREN - Bago pa man ampunin ng pamilyang Van Buren si Bianca ay pinaniniwalaan na nilang sila'y destinadong magkita-kita. Para kay Hadeon, sila ay ang mga kaibigan niyang hinding hindi mapapalitan.

VIOLET AMARYLLIS JISELLE GARCIA - Sa isang linggo ni Hadeon sa Baguio ay nais niyang bumili ng bulaklak para maiuwi. Litong lito sa dami ng klase ng mga paskwa ay nagpapasalamat siya sa plorerang parati siyang naaabutan; si Jiselle. Hindi man magkadugo ay itinuturing na siyang kambal dahil sa kanilang wangis na magkalapit.

SUELLEN VAN BUREN - Ang kaniyang ina. Napakalapit nila sa isa't isa kaya inuugali ng mga tao na tawagin siyang Mama's boy.

INFORMATION
SEPTENARIUS

Mahal kong Alunsina,

Sa diwatang mas maganda pa ang mga ngiti kaysa sa mga tala, ikaw lang ang iibigin ko sa bawat habang buhay. Ibibigay ko ang lahat, makapiling ka lamang muli. Paghiwalayin man tayo ng bathala, hahanapin kita. Pasensiya na, giliw ko, sapagkat ako'y hindi nakapagpaalam. Mababalikan rin natin ang mga kabanata nating hindi natin natapos, iyon ang aking ipapangako sa'yo. Mahal na mahal kita, aking diwata.